Asahan Mo

Asahan Mo

I-download:

  1. 1. Parang kailan lang ako’y bata pa,

    Ngayo’y matanda na at nanghihina.

    Alam kong may buhay na walang hanggan.

    Minsan ang puso ay nasasaktan

    At nangungulila sa aking mahal.

    Alam kong kami’y muling magkikita.

    (KORO)

    Ako’y sabik nang makita ang bagong mundo—

    Payapa ang buhay, wala nang gulo.

    Ang lahat magbabago;

    Asahan mo.

    Bubuhayin ang mga patay at wala nang kirot at lumbay.

    At ’yan ay malapit na.

    Ang Diyos ang nangangako.

    Asahan mo.

  2. 2. Alam kong ang lahat ng nangyayari,

    Tanda ng wakas na kay lapit na

    Alam kong kailangan kong maging handa.

    Kaya’t si Jehova wala nang iba

    Ang uunahin at iibigin ko

    Alam kong pangako niya ay totoo.

    (KORO)

    Ako’y sabik nang makita ang bagong mundo—

    Payapa ang buhay, wala nang gulo.

    Ang lahat magbabago;

    Asahan mo.

    Bubuhayin ang mga patay at wala nang kirot at lumbay.

    At ’yan ay malapit na.

    Ang Diyos ang nangangako.

    Asahan mo.

    (BRIDGE)

    At kung ’di ko man makita ang pagdating ng wakas,

    Gigising din ako sa pagkabuhay-muli.

    (KORO)

    Ako’y sabik nang makita ang bagong mundo—

    Payapa ang buhay, wala nang gulo.

    Ang lahat magbabago;

    Asahan mo.

    Bubuhayin ang mga patay at wala nang kirot at lumbay.

    At ’yan ay malapit na.

    Ang Diyos ang nangangako.

    Tunay at totoo.

    Asahan mo.