Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ika’y Manalangin

Ika’y Manalangin

I-download:

  1. 1. Kung may problemang dumarating,

    Ang hirap para sa ’tin na ’to’y harapin.

    Kung minsan, iba’y ’di makatulong.

    Lumapit kay Jehova,

    Manalangin.

    (KORO)

    ’Wag ka nang malumbay.

    Sa Diyos ay magtiwala.

    Hawak mo’y tagumpay

    Kung mananalangin.

    ’Pag ’di mo makaya,

    Nariyan siya, nasa ’yong tabi.

    Siya’y ating gabay, tunay nga,

    Kung mananalangin.

    Siya’y pasayahin.

    Magpaakay ka.

  2. 2. Bawat araw may suliranin.

    Kapos man at marami pang babayarin,

    Nais pa rin nating mamahagi,

    Nang iba’y mapasaya,

    Mapasaya.

    (KORO)

    ’Wag ka nang mangamba.

    Sa Diyos ay magtiwala.

    Buhay mo’y gaganda

    Kung mananalangin.

    Kahit na mahina,

    May lakas dahil nandiyan siya.

    Siya’y ating gabay sa tuwina.

    Laging manalangin.

    Siya’y pasayahin.

    Magpaakay ka.

    (KORO)

    Sa Diyos ay magtiwala.

    Buhay mo’y gaganda

    Kung mananalangin.

    Kahit na mahina,

    May lakas dahil nandiyan siya.

    Siya’y ating gabay sa tuwina.

    Laging manalangin.

    Siya’y pasayahin,

    Pasalamatan.