Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Gumawa ng Pagbabago

Gumawa ng Pagbabago

I-download:

  1. 1. Minsa’y naiisip,

    Bakit gan’to—

    Rutina na lang ba

    Ang paglilingkuran ko?

    Ang nakasanayan dapat baguhin.

    Pagsulong ay kailangang gawin,

    Magsakripisyo rin.

    (KORO)

    Kaya’t handang gawin ang pagbabago

    Nang maabot ko ang tunguhin ko.

    Jehova, ako’y susunod sa ’yo.

    Ibibigay lagi tiwala sa ’yo.

  2. 2. Ang kailangan dito

    Lakas-loob,

    Pero ito’y sulit.

    Dulot ay kagalakan.

    Ang aking mga bagong karanasan

    Nagbigay ng pagkakataon

    Para ako’y sumulong.

    (KORO)

    Kaya’t handang gawin ang pagbabago

    Nang maabot ko ang tunguhin ko.

    Jehova, ako’y susunod sa ’yo.

    Ibibigay lagi tiwala sa ’yo.

    (BRIDGE)

    Noong una’y mahirap

    At parang imposible,

    Nag-aalinlangan kung

    Ano’ng gagawin.

    Pero pagsisikap ko

    Saganang pinagpala.

    Ipagpapatuloy ko

    Ang aking nagawa.

    (KORO)

    Gusto kong maabot ang tunguhin ko,

    Kaya nagsisikap na magbago.

    Jehova, ako’y susunod sa ’yo.

    At ang aking tiwala pinagpala mo.

    (KORO)

    Kaya’t handang gawin ang pagbabago

    Nang maabot ko ang tunguhin ko.

    Jehova, ako’y susunod sa ’yo.

    Ibibigay lagi.

    (KORO)

    Kaya’t handang gawin ang pagbabago

    Nang maabot ko ang tunguhin ko.

    Jehova, ako’y susunod sa ’yo.

    Ibibigay lagi tiwala sa ’yo.

    Tiwala sa ’yo.