Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Gawin ang Buong Makakaya

Gawin ang Buong Makakaya

I-download:

  1. 1. Ang ’yong sigasig na ’pinakita

    Mula noong musmos ka pa—

    Minahal mo ang Diyos na Jehova,

    Naglingkod nang buong puso.

    (PAUNANG KORO)

    At kahit may hamon sa buhay, ’di ka sumuko,

    Dahil ang nais mo’y sumulong at sundin ang utos niya.

    Gawin mo lang ang ’yong kaya, ’di ka magsisisi.

    Ang pagpapala ng Diyos ay

    Maaasahan mo.

    (KORO)

    ’Di niya lilimutin ang pagsisikap

    At pag-ibig mo.

    Siya’y lagi mong purihin at parangalan.

    Magtatagumpay ka

    Dahil sa kaniya.

  2. 2. Habang ikaw ay nagiging adulto,

    Dumarami ang pagsubok.

    ’Wag matakot; sa Diyos ka umasa.

    Lagi siyang handang tumulong.

    (PAUNANG KORO)

    Kailangan mong magpaakay, at sundin siya lagi

    Nang magtagumpay lahat ng ’yong ginagawa.

    Gawin mo lang ang ’yong kaya, ’di ka magsisisi.

    Ang pagpapala ng Diyos ay

    Maaasahan mo.

    (KORO)

    ’Di niya lilimutin ang pagsisikap

    At pag-ibig mo.

    Siya’y lagi mong purihin at parangalan.

    Magtatagumpay ka

    Dahil sa kaniya.

    (BRIDGE)

    Habang ikaw ay naglilingkod,

    Gawin mo lagi ang ’yong buong makakaya.

    (KORO)

    ’Di niya lilimutin ang pagsisikap

    At pag-ibig mo.

    Siya’y lagi mong purihin at parangalan.

    Magtatagumpay ka

    Dahil sa kaniya.

    (BRIDGE)

    Habang ikaw ay naglilingkod,

    Gawin mo lagi ang ’yong buong makakaya.

    Habang ikaw ay naglilingkod,

    Gawin mo lagi ang ’yong buong makakaya.