AWIT 86
Dapat Tayong Maturuan
-
1. Halina’t matuto tungkol kay Jehova.
Tubig ng buhay ating tanggapin.
Laan ng Diyos ang mabuting turo;
Ang nagugutom ay bubusugin.
-
2. Huwag pabayaan ang ating pagpupulong;
Dito’y matuturuan nang wasto.
Ang kapatiran kasama natin.
Espiritu ng Diyos ay narito.
-
3. Awit ng papuri ay nagpapatibay!
Dilang sanay kay tamis pakinggan!
Nawa’y palagi tayong magtipon,
Kung sa’n naroon ang kaniyang bayan.
(Tingnan din ang Heb. 10:24, 25; Apoc. 22:17.)

