UMAWIT NANG MASAYA KAY JEHOVA

Ang Buhay ng Payunir (Awit 81)

Tagalog
Ang Buhay ng Payunir (Awit 81)
https://assetsnffrgf-a.akamaihd.net/assets/ct/d71826a198/images/syn_placeholder_sqr.png
sjj awit 81

AWIT 81

Ang Buhay ng Payunir

Ang Buhay ng Payunir

(Eclesiastes 11:6)

  1. 1. Bago pa sumikat maningning na araw,

    Tayo’y bumabangon,

    naghahanda’t nananalangin.

    May hatid na ngiti sa lahat ng tao,

    Pakinggan o hindi,

    tayo ay mangangaral pa rin.

    (KORO)

    Ito’ng buhay natin

    Para kay Jehova.

    Gagawin ang kalooban niya.

    Tayo’y naglilingkod

    Umula’t umaraw

    Upang ipakita na mahal natin siya.

  2. 2. Sa kinahapunan, paglubog ng araw,

    Maligaya’t pagod,

    pag-uwi ay mananalangin.

    Ating ’binibigay buong makakaya.

    At salamat sa Diyos

    sa mga pagpapala sa ’tin.

    (KORO)

    Ito’ng buhay natin

    Para kay Jehova.

    Gagawin ang kalooban niya.

    Tayo’y naglilingkod

    Umula’t umaraw

    Upang ipakita na mahal natin siya.