UMAWIT NANG MASAYA KAY JEHOVA

“Ito ang Daan” (Awit 54)

Tagalog
“Ito ang Daan” (Awit 54)
/assets/ct/fa815d8e9f/images/syn_placeholder_sqr.png
sjj awit 54

AWIT 54

“Ito ang Daan”

“Ito ang Daan”

(Isaias 30:20, 21)

  1. 1. Mayro’ng isang daan

    ng kapayapaan.

    Daang umiral na

    noong una pa man.

    ’Tinuro ni Jesus,

    sa kaniya narinig.

    Sa Salita ng Diyos,

    ito’y nakasalig.

    (KORO)

    Ito’ng daan. Oo, ito’ng daan.

    Huwag lumingon; huwag mong lilihisan!

    Tinig ng Diyos ating pakinggan:

    ‘Lakaran n’yo, oo, ito’ng daan.’

  2. 2. Mayro’ng isang daan,

    Pag-ibig na wagas.

    Tinig ng Diyos ang siyang

    nagturo ng landas.

    Pag-ibig niya’y lubos;

    Mainit at tunay.

    Daan ng pag-ibig,

    Sundan sa ’ting buhay.

    (KORO)

    Ito’ng daan. Oo, ito’ng daan.

    Huwag lumingon; huwag mong lilihisan!

    Tinig ng Diyos ating pakinggan:

    ‘Lakaran n’yo, oo, ito’ng daan.’

  3. 3. Mayro’ng isang daan

    Patungo sa buhay.

    Wala nang hihigit;

    Ito ang patnubay.

    Daan ng pag-ibig

    at kapayapaan,

    Daan sa ’ting buhay;

    Diyos pasalamatan.

    (KORO)

    Ito’ng daan. Oo, ito’ng daan.

    Huwag lumingon; huwag mong lilihisan!

    Tinig ng Diyos ating pakinggan:

    ‘Lakaran n’yo, oo, ito’ng daan.’

(Tingnan din ang Awit 32:8; 139:24; Kaw. 6:23.)