UMAWIT NANG MASAYA KAY JEHOVA

Halikayo sa Bundok ni Jehova! (Awit 24)

Tagalog
Halikayo sa Bundok ni Jehova! (Awit 24)
/assets/ct/79e1b14fff/images/syn_placeholder_sqr.png
sjj awit 24

AWIT 24

Halikayo sa Bundok ni Jehova!

Halikayo sa Bundok ni Jehova!

(Isaias 2:2-4)

  1. 1. Halina’t pagmasdan

    Ang bundok ni Jehova;

    Ngayo’y nakatatag at

    Lalo pang ’tinaas.

    Ang lahat ng bansa

    Dito ay dumadagsa.

    Lahat tinatawagan,

    ‘Sa Diyos maglingkuran.’

    Panahon na ngayon,

    Bansang maliit ay lálakí.

    Tayo’y sumusulong

    Patnubay ng Diyos ang siyang sanhi.

    Milyon-milyon ngayon

    Ang pumanig na kay Jah.

    Bilang Soberano,

    Siya’y kinilala nila.

  2. 2. Nag-utos si Jesus,

    Na ating ipahayag

    Ang mabuting balita

    Tungkol sa Kaharian.

    Si Kristo’y Hari na,

    Sa kaniya ay pumanig.

    Mga maaamo,

    Sa Diyos kayo’y makinig.

    Tayo’y natutuwa,

    Bayan ng Diyos ngayo’y lumago.

    Tayo’y may bahagi,

    Sabihin sa lahat ng tao,

    ‘Halina’t pumunta

    Sa bundok ni Jehova.’

    Tinig ay ilakas,

    At ating ibalita.