UMAWIT NANG MASAYA KAY JEHOVA

Maging Mapagpatawad (Awit 130)

Tagalog
Maging Mapagpatawad (Awit 130)
/assets/ct/28ada02fb0/images/syn_placeholder_sqr.png
sjj awit 130

AWIT 130

Maging Mapagpatawad

Maging Mapagpatawad

(Awit 86:5)

  1. 1. Dahil sa pag-ibig,

    Si Jehova’y naglaan

    Upang mapatawad tayo

    Sa ating kasalanan.

    Kung tunay ang pagsisisi,

    Tayo’y mapapatawad.

    Salig sa hain ni Kristo,

    Awa ay igagawad.

  2. 2. Tatanggap ng awa

    Kung ang Diyos tutularan.

    Patawarin din ang kap’wa

    Kung tayo ay nasaktan.

    Kapatid ay pagtiisan;

    Tampuhan ay iwasan.

    Ang dangal ay ipakita;

    Dapat na magmahalan.

  3. 3. Taglayin ang awa;

    Ito’y dapat linangin.

    Pagkakasala’y limutin;

    Galit ay ’yong alisin.

    Ang Diyos ay ating tularan;

    Pag-ibig niya’y dakila.

    Maging handang magpatawad,

    Gaya rin ni Jehova.

(Tingnan din ang Mat. 6:12; Efe. 4:32; Col. 3:13.)