UMAWIT NANG MASAYA KAY JEHOVA

Dakilang Diyos, Jehova (Awit 12)

Tagalog
Dakilang Diyos, Jehova (Awit 12)
/assets/ct/79e1b14fff/images/syn_placeholder_sqr.png
sjj awit 12

AWIT 12

Dakilang Diyos, Jehova

Dakilang Diyos, Jehova

(Exodo 34:6, 7)

  1. 1. Diyos na Jehova, makatarungan,

    Makapangyarihan ka,

    At tunay kang dakila.

    Diyos ng pag-ibig at karunungan.

    Dapat na purihin ka.

  2. 2. Nadarama ang ’yong malasakit;

    Kahit alabok kami,

    Mahal mo pa rin kami.

    Sa ’yong daan ay tinuturuan,

    Tulong mo’y nandiyan lagi.

  3. 3. Langit at lupa ay umaawit

    Sa ’yong kal’walhatian,

    Taglay ang kagalakan.

    Diyos na Jehova, karapat-dapat

    Purihing walang hanggan.