UMAWIT NANG MASAYA KAY JEHOVA

Tulungan ang Mahihina (Awit 102)

Tagalog
Tulungan ang Mahihina (Awit 102)
/assets/ct/08c9985de2/images/syn_placeholder_sqr.png
sjj awit 102

AWIT 102

Tulungan ang Mahihina

Tulungan ang Mahihina

(Gawa 20:35)

  1. 1. Maraming kahinaan

    ang taglay natin.

    Ngunit si Jehova ay

    maunawain.

    Siya ay maawain;

    Tayo’y mahal pa rin.

    Tulad ng Diyos, tulungan

    kapatid natin.

  2. 2. Sa tingin ma’y malakas,

    nanghihina rin.

    Sila ay patibayin,

    ating aliwin.

    Sila’y kay Jehova;

    Aalalayan niya.

    Damhin ang lungkot nila,

    Luha’y pahirin.

  3. 3. Sa halip na husgahan,

    Ating tandaan,

    Mapalalakas sila

    ng kabaitan.

    Aliwin ang pagód,

    Patibaying-loob.

    Nar’yan tayo’t tutulong

    Bilang kaibigan.