AWIT 101
Naglilingkod Nang May Pagkakaisa
-
1. Sa mundong may kaguluhan,
Si Jehova ay may bayan,
Naglilingkod nang payapa
at nagkakaisa.
Pagkakaisa ay
dapat mahalin.
Kay rami nating gawain,
Diyos gumagabay sa atin.
Manatiling masunurin;
Buklod patibayin.
-
2. Isip ay pagkaisahin,
At kung tayo’y mabait din,
Pag-ibig lalong titibay,
Kagalakang tunay.
Nakagiginhawa,
kay sarap damhin.
Pag-ibig sa kapatiran,
Dulot ay kapayapaan.
Dahil dito’y nabubuklod
Habang naglilingkod.
(Tingnan din ang Mik. 2:12; Zef. 3:9; 1 Cor. 1:10.)

