UMAWIT KAY JEHOVA—MGA BAGONG AWIT

Bigyan Mo Kami ng Katapangan (Awit 137)

Tagalog
Bigyan Mo Kami ng Katapangan (Awit 137)
/assets/ct/a5f5be13b3/images/syn_placeholder_sqr.png
snnw awit 137

Awit 137

Bigyan Mo Kami ng Katapangan

Bigyan Mo Kami ng Katapangan

I-download:

(Gawa 4:29)

  1. Habang ipinangangaral

    Kaharian at ’yong ngalan,

    Kami ay pinag-uusig

    At pinagtatawanan.

    Huwag matakot sa tao,

    At si Jehova ang sundin.

    Ang espiritu’y sasaatin;

    O Jehova, sana’y dinggin.

    (KORO)

    Bigyan mo kami ng tapang;

    Takot aming madaig.

    At lakas-loob mangaral

    Nang lahat makarinig.

    Armagedon malapit na;

    Hanggang sa ito’y dumating,

    Bigyan mo kami ng tapang,

    Ang dalangin.

  2. Kami man ay natatakot,

    At kami’y mahina lang,

    Ang pagtulong mo sa amin,

    Laging maaasahan.

    At bigyang-pansin banta

    Ng mga mananalansang.

    Tulungan mo kaming patuloy

    Na mangaral sa ’yong ngalan.

    (KORO)

    Bigyan mo kami ng tapang;

    Takot aming madaig.

    At lakas-loob mangaral

    Nang lahat makarinig.

    Armagedon malapit na;

    Hanggang sa ito’y dumating,

    Bigyan mo kami ng tapang,

    Ang dalangin.

(Tingnan din ang 1 Tes. 2:2; Heb. 10:35.)