Mahal na Sister
I-download:
1. Sana’y pakinggan mo ang awitin ko,
Pasasalamat ko sa katapatan mo sa Diyos.
Ang gusto ko sana’y malaman mong
Mahal ka namin at pinahahalagahan.
(PAUNANG KORO)
Huwag mong isipin na walang halaga
Ang ’yong nagagawa.
(KORO)
Mahal na sister.
Lagi kang naglilingkod
At nagsisikap
Kahit na may mga hadlang.
Kami’y napapatibay mo palagi.
Mahalaga ka sa amin.
Mahal ka namin.
2. ’Di man napapansin ang ’yong paglilingkod,
Nakakatulong ka’t handang gawin ang ’yong kaya.
Mapagpakumbaba kang nagbibigay
Nagpapakita ka ng tunay na pagmamahal.
(PAUNANG KORO)
Ang pagsisikap, gaano man kaliit,
Alam ’yan ng Diyos.
(KORO)
Mahal na sister.
Lagi kang naglilingkod
At nagsisikap
Kahit na may mga hadlang.
Kami’y napapatibay mo palagi.
Mahalaga ka sa amin.
Mahal ka namin.
(BRIDGE)
Umasa ka kay Jehova.
Ang turing niya sa ’yo’y may halaga
At tunay ang pag-ibig niya.
(KORO)
Mahal na sister.
Lagi kang naglilingkod
At nagsisikap
Kahit na may mga hadlang.
Kami’y napapatibay mo palagi.
Mahalaga ka sa amin.
Mahal ka namin.
(ENDING)
Huwag na huwag kang sumuko.
Sa ’min ika’y mahalaga.
Mahal na sister.
Mahal ka, mahal na sister.
Mahal ka namin.

