Kailangan Ko ang Diyos
I-download:
1. Tayong lahat, may tanong,
Naghahanap ng sagot.
“Ang buhay ba’y may layunin
At may kabuluhan?”
Ang buhay na kay saya,
Galing sa ating Ama.
Sa Salita ni Jehova,
’Yan ay makikita.
(KORO)
Ang Diyos ay kailangan ko.
Siya ang gabay sa buhay ko.
At siya’y pupurihin ko
Sa buong buhay ko,
Iibigin ko,
At sasambahin.
2. Ang Salita niya’y dinggin.
’Yan ang kailangang gawin.
Pag-ibig ko sa aking Diyos,
Patitibayin ko.
Ihahayag sa iba
Ang tungkol sa ’ting Ama.
Ang gusto niya, bawat isa
Ay makilala siya.
(KORO)
Ang Diyos ay kailangan ko.
Siya ang gabay sa buhay ko.
At siya’y pupurihin ko
Sa buong buhay ko,
Iibigin ko,
At sasambahin.
Ang Diyos ay kailangan ko.
Siya ang gabay sa buhay ko.
At siya’y pupurihin ko
Sa buong buhay ko,
Iibigin ko,
At sasambahin.
Ang Diyos ay kailangan ko.
Siya ang gabay sa buhay ko.
At siya’y pupurihin ko
Sa buong buhay ko,
Iibigin ko,
At sasambahin.
(Tingnan din ang Awit 1:1, 2; 112:1; 119:97; Mat. 5:6; 16:24; Isa. 40:8; 2 Tim. 4:4.)

