Hubugin Mo ang Puso Ko
I-download:
1. Alam mo ang nasa puso ko—
Ikaw lang ang Diyos na nais kong
Mahalin at laging sambahin.
May mga kahinaan din ako
At sana ako’y tulungan mo.
O Ama, Gabayan mo ako.
(PAUNANG KORO)
Sa ’yo, Diyos na Jehova,
Lagi akong magtitiwala.
(KORO)
Kahit na may mga hamon,
Sana ay tulungan mong
Laging gawin, kalooban mo.
Dahil sa pag-ibig mo,
Magpapagabay sa ’yo.
O Diyos, hubugin mo
Ang aking puso,
Ang aking puso.
2. Ang iyong Salita’y binabasa;
’Tinuturing kong mahalaga,
Nang ako’y iyong madalisay.
Turuan mo ’ko na tanggapin,
Ang ’yong mga payo ay ibigin.
O Ama, ’di ako susuko.
(PAUNANG KORO)
Sa ’yo, Diyos na Jehova,
Lagi akong magtitiwala.
(KORO)
Kahit na may mga hamon,
Sana ay tulungan mong
Laging gawin, kalooban mo.
Dahil sa pag-ibig mo,
Magpapagabay sa ’yo.
O Diyos, hubugin mo
Ang aking puso,
Ang aking puso.
(OUTRO)
O Ama, dinggin mo
Ang hiling ko sa ’yo.
O Diyos, hubugin mo
Ang aking puso,
Ang aking puso.

