Ako ay Diringgin Mo
I-download:
1. Minsan kapag lumalapit na sa ’yo,
’Di ko alam kung ano’ng sasabihin ko.
O Jehova, sana’y dinggin mo ang taimtim na panalangin ko.
Sasabihin ko at ihahagis ang lahat sa ’yo.
(KORO)
O, sa ’yo ako’y lalapit.
Sa ’yo, Ama, ay kakapit.
Ang laman ng aking puso,
O aking Diyos, diringgin mo.
Ang pasanin ko, Ama,
Lagi mong dinadala.
Ang puso ko’y panatag.
Sa ’yo ako ay lalapit;
Ako’y diringgin mo.
2. Lagi kong nadarama sa puso ko
Ang pagmamahal mo at ang pag-alalay mo.
O Jehova, narito ako; ’di bibitiw at sa ’yo magtitiwala.
’Pag nabibigo, tutulong ka; ikaw ang aking sandigan.
(KORO)
O, sa ’yo ako’y lalapit.
Sa ’yo, Ama, ay kakapit.
Ang laman ng aking puso,
O aking Diyos, diringgin mo.
Ang pasanin ko, Ama,
Lagi mong dinadala.
Ang puso ko’y panatag.
Sa ’yo ako ay lalapit;
Ako’y diringgin mo.
(BRIDGE)
At ika’y walang katulad; ikaw ay palaging tutulong.
Sa mga tapat, ikaw ay tapat.
Lalapit kami sa ’yo.
Lagi kang nakikinig.
(KORO)
O, sa ’yo ako’y lalapit.
Sa ’yo, Ama, ay kakapit.
Ang laman ng aking puso,
O aking Diyos, diringgin mo.
Ang pasanin ko, Ama,
Lagi mong dinadala.
Ang puso ko’y panatag.
Sa ’yo ako ay lalapit;
Ako ay diringgin mo.
(ENDING)
Ako ay diringgin mo.
Ako ay diringgin mo.
Ako ay diringgin mo.
Ako ay diringgin mo.

