Aklat ng Pag-ibig
I-download:
1. Parang liham na ’sinulat ng amang nagmamahal
Na sa aking puso’y laging nagbibigay-kaaliwan.
O kay gandang regalo na iniingatan ko,
Binabasa araw-araw, ’sinasabuhay ko.
(KORO)
Ang ’yong Salita, Jehova,
Ay nagpapaginhawa.
Parang pagsikat ng araw,
Nagpapanariwa.
Parang hangin na banayad
Na dala’y kaaliwan.
Salamat, O aking Ama,
At ’yong ’pinadama
Ang tunay na
Pag-ibig mo.
2. Para bang naririnig ko ang ’yong tinig, O Ama—laging pinapatibay na ’wag mag-alala.
Salamat sa pangako mo na natutuhan ko,
Ang buhay ko’y nagbago dahil sa patnubay mo.
(KORO)
Ang ’yong Salita, Jehova,
Ay nagpapaginhawa.
Parang pagsikat ng araw,
Nagpapanariwa.
Parang hangin na banayad
Na dala’y kaaliwan.
Salamat, O aking Ama,
At ’yong ’pinadama
Ang tunay na
Pag-ibig mo.
(BRIDGE)
Gaya ng puno sa tabi ng daloy ng tubig,
Kakayanin ko ang pagsubok.
Sa puso’t isip ko ay iingatan ko
At sa iba ay sasabihin ko.
3. Parang liham na ’sinulat ng amang nagmamahal
Na sa aking puso’y laging nagbibigay-kaaliwan.
O kay gandang regalo na iniingatan ko,
Binabasa araw-araw, ’sinasabuhay ko.
(KORO)
Ang ’yong Salita, Jehova,
Ay nagpapaginhawa.
Parang pagsikat ng araw,
Nagpapanariwa.
Parang hangin na banayad
Na dala’y kaaliwan.
Salamat, O aking Ama,
At ’yong ’pinadama
Ang tunay na
Pag-ibig mo.

