Tagalog
Sangnilalang—Lumuluwalhati kay Jehova
/assets/ct/fa815d8e9f/images/syn_placeholder_sqr.png
sn awit 15

Awit 15

Sangnilalang—Lumuluwalhati kay Jehova

Sangnilalang—Lumuluwalhati kay Jehova

(Awit 19)

1. O Diyos, batid ng aking kalul’wa.

L’walhati mo bituin nagbabadya.

Gabi’t araw kahit walang tinig,

Kaalaman ay ’pinaririnig.

Gabi’t araw kahit walang tinig,

Kaalaman ay ’pinaririnig.

2. Araw, buwan, at mga bituing likha,

Karagatang may hangganang takda.

Kapag langit mo’y aming namasdan,

Ano’t tao’y pinahalagahan?

Kapag langit mo’y aming namasdan,

Ano’t tao’y pinahalagahan?

3. Batas mo’y sakdal; utos mo’y tunay.

Paalaala mo’y ibinigay.

Higit pa sa gintong dinalisay,

Nawa’y lagi naming maging gabay.

Higit pa sa gintong dinalisay,

Nawa’y lagi naming maging gabay.