Umawit kay Jehova

Patibayin ang Isa’t Isa

Tagalog
Patibayin ang Isa’t Isa
/assets/ct/29206d32a6/images/syn_placeholder_sqr.png
sn awit 121

Awit 121

Patibayin ang Isa’t Isa

Patibayin ang Isa’t Isa

(Hebreo 10:24, 25)

1. Habang pinatitibay natin

Na magtapat bawat isa,

Buklod ay lalong tumitibay;

Kapayapaan ang bunga.

Ang pag-ibig sa bayan ng Diyos

Tumutulong na magbata.

Ang kongregasyon ay kanlungan,

Dakong ligtas at masaya.

2. Ang salitang angkop at tama,

O kaysarap na pakinggan!

Nadarama ang kaaliwan

Sa tunay na kaibigan.

Kapag may iisang pag-asa

O kaybuti ng samahan.

Tayong lahat magpatibayan

Upang pasani’y gumaan.

3. Ngayon ay ating nakikita,

Araw ni Jah malapit na.

Kailangang tayo’y sama-sama,

Manatili sa daan Niya.

Bawat isa ay patibayin

Nang kamtin natin pag-asa.

Kasama bayan ni Jehova,

Maglilingkod walang hangga.