Tagalog
Panalangin ng Mapagpakumbaba
/assets/ct/fa815d8e9f/images/syn_placeholder_sqr.png
sn awit 68

Awit 68

Panalangin ng Mapagpakumbaba

Panalangin ng Mapagpakumbaba

(Awit 4:1)

1. Jehova, pakisuyo,

panalangin ko’y dinggin.

Sugát ang puso ko,

’di ko na kayang tiisin.

Nanghihina ako

dahil sa ’king kalungkutan.

Tulungan mo ako, O Diyos,

bigyang kaaliwan.

(KORO)

Ibangon mo; tulungan mo.

Pag-asa ko’y buhayin mo.

Bumabaling ako sa iyo.

Jehovang Diyos, ang lakas ko.

2. Sa panghihina ko’y

kanlungan ang ’yong Salita,

Inaaliw ang puso ko,

aking nadarama.

Tiwala ko’y patibayin,

aking pakisuyo,

Mas dakila ang pag-ibig mo

kaysa puso ko.

(KORO)

Ibangon mo; tulungan mo.

Pag-asa ko’y buhayin mo.

Bumabaling ako sa iyo.

Jehovang Diyos, ang lakas ko.