Umawit kay Jehova

Lumalakad sa Katapatan

Tagalog
Lumalakad sa Katapatan
/assets/ct/79e1b14fff/images/syn_placeholder_sqr.png
sn awit 29

Awit 29

Lumalakad sa Katapatan

Lumalakad sa Katapatan

(Awit 26)

1. Jehovang Diyos, ako ay hatulan;

Ako’y lumakad nang buong katapatan.

Siyasatin mo’t ako ay subukin;

Isip at puso ko’y iyong dalisayin.

(KORO)

Kung sa akin, tiyak ang kapasiyahan.

Ako’y lalakad na walang kapintasan.

2. Ang masama’y ’di ko kaibigan.

Ako’y napopoot sa mga bulaan.

Sa balakyot ako’y huwag idamay;

Sa makasalanan ako’y ihiwalay.

(KORO)

Kung sa akin, tiyak ang kapasiyahan.

Ako’y lalakad na walang kapintasan.

3. Inibig ko sa iyo ay tumahan.

Sasambahin kita buong kaarawan.

Sa ’yong altar ay maglilingkuran,

Pasasalamat ko’y ipagsisigawan.

(KORO)

Kung sa akin, tiyak ang kapasiyahan.

Ako’y lalakad na walang kapintasan.

(Tingnan din ang Awit 25:2.)