Tagalog
Ipaalam Mo sa Akin ang Iyong mga Daan
/assets/ct/79e1b14fff/images/syn_placeholder_sqr.png
sn awit 69

Awit 69

Ipaalam Mo sa Akin ang Iyong mga Daan

Ipaalam Mo sa Akin ang Iyong mga Daan

(Awit 25:4)

1. Kami’y natitipon, O Jehovang Diyos,

Tinanggap ang ’yong paanyaya.

Ang ’yong Salita sa ami’y liwanag,

Bukal ng ’yong turong sagana.

(KORO)

Ituro mo ang ’yong mga daan;

Dunong mo’y nais kong mapakinggan.

Lalakad sa landas ng katwiran,

Nalulugod sa ’yong kautusan.

2. Ang ’yong karunungan ay ’di maarok;

Hatol mo’y tinitiwalaan.

Ang ’yong Salita ay kahanga-hanga;

Mananatili kailanman.

(KORO)

Ituro mo ang ’yong mga daan;

Dunong mo’y nais kong mapakinggan.

Lalakad sa landas ng katwiran,

Nalulugod sa ’yong kautusan.