Tagalog
Ihayag ang Mabuting Balita
/assets/ct/79e1b14fff/images/syn_placeholder_sqr.png
sn awit 47

Awit 47

Ihayag ang Mabuting Balita

Ihayag ang Mabuting Balita

(Apocalipsis 14:6, 7)

1. Lihim ng Kaharian malaong nakubli.

Ngayo’y hayag na ang ’pinangakong Binhi.

Dahil sa awa’t pag-ibig ni Jehova,

Makasalanang tao ay nilingap niya.

Nilayon niyang Anak niya ay magpupuno;

Sa takdang panahon matutupad na ito.

Kanyang Anak ay bibigyan ng ’sang nobya;

Munting kawan ang napiling kasama niya.

2. Mabuting balitang ito’y inihula,

Ngayo’y nais ng Diyos malaman ng madla.

Mga anghel dito’y nakikibahagi,

Sa pangangaral ay gumagabay lagi.

Tungkuli’t karangalan natin sa ngayon,

Parangala’t purihin ating Panginoon.

Pangalan niya’y karangalan na taglayin;

Mabuting balita ay ihayag natin!