Tagalog
Ang Taglay Nating Kapayapaan
/assets/ct/b4d7e1101e/images/syn_placeholder_sqr.png
sn awit 39

Awit 39

Ang Taglay Nating Kapayapaan

Ang Taglay Nating Kapayapaan

(Juan 14:27)

1. Si Jehova ay

Diyos ng Pagkakaisa.

Ang lahat ng digmaan,

Papawiin niya.

Matwid, ipaglalaban

Ni Jesu-Kristo;

Kapayapaang sakdal

Ang matatamo.

2. Galit ating iniwan

At pagkainggit.

Ang tabak ay ginawang

Araro’t karit.

Upang maging payapa,

Magpatawaran.

At bilang tupa nawa

Ay mag-ibigan.

3. Ang bunga ng katwiran,

Dapat taglayin,

Tunay na karunungan

Ay idalangin.

Ang payapang landasin,

Ating tahakin.

Hanggang sa takdang araw,

Ligaya’y kamtin.