Tagalog
Ang Panalangin ng Lingkod ng Diyos
/assets/ct/79e1b14fff/images/syn_placeholder_sqr.png
sn awit 6

Awit 6

Ang Panalangin ng Lingkod ng Diyos

Ang Panalangin ng Lingkod ng Diyos

(Efeso 6:18)

1. Jehovang Diyos na Ama namin,

Dakilang ngalan mo ay sambahin.

Ang awa mo ay walang hanggan,

Tapat ka magpakailanman.

Tapat magpakailanman,

Awa mo’y walang hanggan.

2. Puso namin ay ’yong punuin

Ng kaluguran sa ’yong gawain.

Susundin namin ang utos mo,

Hanapi’t pakanin tupa mo.

Pakanin ang tupa mo,

Susundin ang utos mo.

3. Karunungan ang hiling namin,

At pag-ibig, puso ay puspusin.

Awa nawa’y maipakita,

Lahat tulungang kilanlin ka.

Tulungang kilanlin ka,

Awa ay ipakita.