Umawit kay Jehova

Ang Kagalakan kay Jehova

Tagalog
Ang Kagalakan kay Jehova
/assets/ct/79e1b14fff/images/syn_placeholder_sqr.png
sn awit 74

Awit 74

Ang Kagalakan kay Jehova

Ang Kagalakan kay Jehova

(Nehemias 8:10)

1. Natutupad tanda ng kawakasan

At pagdating ng Kaharian.

Taas-noo, tingnan ang kaligtasan;

Narito na’ng katubusan!

(KORO)

Moog natin ang Diyos na Jehova.

Matuwa, masiglang umawit.

Pag-asa’y ipagpasalamat ninyo,

Purihin Amang nasa langit.

Moog natin ang Diyos na Jehova.

Ipakilala ngalan niya.

Kung may debosyon sa ’ting Diyos at Hari,

Kagalakan ay makikita.

2. Pag-asa nati’y sa Diyos na Jehova.

Siya’y malakas, huwag mangamba.

Purihin n’yo at siya’y luwalhatiin.

Humiyaw, tayo’y magsaya!

(KORO)

Moog natin ang Diyos na Jehova.

Matuwa, masiglang umawit.

Pag-asa’y ipagpasalamat ninyo,

Purihin Amang nasa langit.

Moog natin ang Diyos na Jehova.

Ipakilala ngalan niya.

Kung may debosyon sa ’ting Diyos at Hari,

Kagalakan ay makikita.