Umawit kay Jehova

Ang Bagong Awit

Tagalog
Ang Bagong Awit
/assets/ct/28ada02fb0/images/syn_placeholder_sqr.png
sn awit 28

Awit 28

Ang Bagong Awit

Ang Bagong Awit

(Awit 98)

1. Tayo’y umawit Ng bagong awit sa ’ting Diyos

Tungkol sa gawa niya Na dakilang lubos.

Papurihan din Tagumpay ng kanyang bisig.

Ang matwid niyang hatol Ay ’di madaraig.

(KORO)

Umawit!

Siya’y ating ibunyi!

Umawit!

Si Jehova’y Hari.

2. Magalak kayo Kay Jehovang Diyos at Hari!

Parangalan natin Ngalan niya’t magpuri.

Ang Panginoon, Inyong purihin sa madla.

Tugtugin ang alpa, Tambuli’t trumpeta.

(KORO)

Umawit!

Siya’y ating ibunyi!

Umawit!

Si Jehova’y Hari.

3. Ang karagatan, Lahat doon ay magpuri.

Mga nasa lupa, Lahat ay magbunyi.

Magpakasaya Ang lupai’t mga agos,

Mga kabundukan, Umawit nang lubos.

(KORO)

Umawit!

Siya’y ating ibunyi!

Umawit!

Si Jehova’y Hari.

(Tingnan din ang Awit 96:1; 149:1; Isa. 42:10.)