Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 TAMPOK NA PAKSA | ANO ANG NILALAMAN NG BIBLIYA?

Bakit Ka Dapat Maging Interesado sa Bibliya?

Bakit Ka Dapat Maging Interesado sa Bibliya?

Ang Bibliya ang pinakapopular na aklat sa daigdig. Bakit? Una sa lahat, madali itong maunawaan. Naglalaman ito ng mga ulat tungkol sa buhay ng tunay na mga tao at ang kaniIang ugnayan sa isa’t isa at sa Diyos. Ang mga ulat na ito ay may praktikal na mga aral na isinulat sa simpleng pananalita na maisasalin sa daan-daang wika at mauunawaan ng mga tao saanman sila nakatira o sa anumang yugto ng panahon. Isa pa, ang mga simulain ng Bibliya ay laging mabisa.

Higit sa lahat, ang Bibliya ay hindi lamang isang aklat tungkol sa Diyos kundi isa ring aklat mula sa Diyos. Sinasabi nito kung ano ang pangalan ng Diyos, ang kaniyang mga katangian, at ang kaniyang di-nagbabagong layunin sa paglalang sa lupa at sa tao. Sinasabi rin sa Bibliya ang matagal nang labanan sa pagitan ng mabuti at masama: isang magandang kuwento na may masayang wakas. Kung babasahin natin ang Bibliya na may bukás na isip, magkakaroon tayo ng pananampalataya at pag-asa.

Ang Bibliya ay naglalaman ng impormasyon na hindi natin makikita saanman. Halimbawa, sinasabi sa atin ng Bibliya ang katotohanan tungkol sa mga paksang tulad ng mga sumusunod:

  • Kung saan tayo nagmula at kung bakit tayo nagdurusa

  • Kung ano ang ginawa ng Diyos para tubusin ang mga tao

  • Kung ano ang ginawa ni Jesus para sa atin

  • Kung ano ang kinabukasan ng lupa at ng tao

Bakit hindi mo basahin ang sumusunod na mga pahina at tingnan kung ano ang nilalaman ng Bibliya?