Tumayong Matatag Laban sa mga Bitag ni Satanas!
“[Tumayo] kayong matatag laban sa mga pakana ng Diyablo.”—EFE. 6:11.
1, 2. (a) Bakit walang awa si Satanas sa mga pinahiran at sa “ibang mga tupa”? (b) Anong mga bitag ni Satanas ang tatalakayin sa artikulong ito?
WALANG awa si Satanas na Diyablo sa mga tao, lalo na sa mga lingkod ni Jehova. Sa katunayan, si Satanas ay nakikipagdigma sa pinahirang nalabi. (Apoc. 12:17) Pinangungunahan ng di-natitinag na mga Kristiyanong iyon ang pangangaral ng Kaharian at inilalantad si Satanas bilang tagapamahala ng sanlibutang ito. Napopoot din ang Diyablo sa “ibang mga tupa” na sumusuporta sa mga pinahiran at umaasang mabuhay magpakailanman—isang pag-asang hindi na taglay ni Satanas. (Juan 10:16) Kaya naman galit na galit siya! Makalangit man o makalupa ang ating pag-asa, wala siyang malasakit sa kapakanan natin. Gusto niya tayong biktimahin.—1 Ped. 5:8.
2 Para magawa ito, nag-uumang si Satanas ng iba’t ibang bitag, o silo. Dahil ‘binulag niya ang pag-iisip’ ng mga di-sumasampalataya, hindi nila tinatanggap ang mabuting balita at hindi nila nakikita ang kaniyang mga bitag. Pero nabibiktima rin ng Diyablo ang ilan sa mga tumanggap na sa mensahe ng Kaharian. (2 Cor. 4:3, 4) Ipinakita ng naunang artikulo kung paano natin maiiwasan ang tatlong bitag ni Satanas: (1) walang-ingat na pananalita, (2) takot at panggigipit, at (3) sobrang panunumbat ng budhi. Talakayin naman natin kung paano tayo makatatayong matatag laban sa dalawa pang bitag o silo ni Satanas—ang materyalismo at ang tuksong gumawa ng pangangalunya.
MATERYALISMO—ANG BITAG NA SUMASAKAL
3, 4. Paano maaaring mauwi sa materyalismo ang mga kabalisahan ng sistemang ito ng mga bagay?
3 Sa isa sa mga ilustrasyon ni Jesus, binanggit niya ang binhi na nahasik sa gitna ng mga tinik. Ipinakita niya na ang isang tao ay posibleng makinig sa salita, “ngunit ang Mat. 13:22) Oo, ang materyalismo ay isang silo na ginagamit ng ating kaaway na si Satanas.
kabalisahan ng sistemang ito ng mga bagay at ang mapanlinlang na kapangyarihan ng kayamanan ay sumasakal sa salita, at siya ay nagiging di-mabunga.” (4 May dalawang bagay na kapag pinagsama ay sumasakal sa salita. Ang isa ay “ang kabalisahan ng sistemang ito ng mga bagay.” Sa ‘mga panahong ito na mapanganib at mahirap pakitunguhan,’ napakaraming álalahanín. (2 Tim. 3:1) Dahil sa pagtaas ng presyo ng bilihin at kawalan ng trabaho, baka nahihirapan kang makaraos sa buhay. Marahil nababalisa ka sa iyong kinabukasan at nag-iisip, ‘Sapat kaya ang pera ko para sa aking pagtanda?’ Dahil sa ganitong kabalisahan, marami ang nagsisikap yumaman sa pag-aakalang salapi ang garantiya ng magandang kinabukasan.
5. Bakit mapanlinlang ang “kapangyarihan ng kayamanan”?
5 Ang isa pang bagay na binanggit ni Jesus ay “ang mapanlinlang na kapangyarihan ng kayamanan.” Kapag pinagsama ito at ang kabalisahan, masasakal ang salita. Kinikilala ng Bibliya na ang “salapi ay pananggalang.” (Ecles. 7:12) Pero hindi katalinuhan ang paghahangad na yumaman. Napatunayan ng marami na miyentras nagsisikap silang yumaman, lalo silang nasisilo ng materyalismo. Ang iba ay nagiging alipin pa nga ng kayamanan.—Mat. 6:24.
6, 7. (a) Paano maaaring bumangon ang tukso ng materyalismo sa lugar ng trabaho? (b) Anong mga bagay ang dapat timbang-timbangin ng isang Kristiyano kapag inalok siyang mag-overtime?
6 Maaaring magsimula ang paghahangad ng kayamanan nang di-namamalayan. Halimbawa, pag-isipan ang sitwasyong ito. Nilapitan ka ng amo mo at sinabi: “May magandang balita ako sa ’yo! Nakakuha ng malaking kontrata ang kompanya natin. Ibig sabihin, kailangan mong mag-overtime nang madalas sa susunod na mga buwan. Pero tinitiyak kong sulit ang pagod mo dahil malaki ang kikitain mo!” Paano ka tutugon? Siyempre pa, seryosong pananagutan ang paglalaan ng materyal na pangangailangan ng iyong pamilya. Pero hindi lang ito ang pananagutan mo. (1 Tim. 5:8) Marami pang bagay na dapat isaalang-alang. Gaano karaming overtime ang kailangan? Makasasagabal ba ang trabaho mo sa gawaing espirituwal, kasali na rito ang pulong at ang gabi ng Pampamilyang Pagsamba?
7 Sa paggawa ng desisyon, ano ang mas matimbang sa iyo—ang dagdag na kita, o ang espirituwalidad mo? Uunahin mo ba ang pagkita ng mas maraming pera kaysa sa Kaharian? Nakikita mo ba ang magiging epekto sa iyo ng materyalismo kung mapapabayaan mo ang espirituwalidad mo at ng iyong pamilya? Kung ganito ang sitwasyon mo ngayon, paano ka makatatayong matatag para 1 Timoteo 6:9, 10.
huwag kang masakal ng materyalismo?—Basahin ang8. Anong mga halimbawa sa Kasulatan ang makatutulong sa atin na suriin ang ating istilo ng pamumuhay?
8 Para huwag kang masakal ng materyalismo, sa pana-panahon ay suriin ang iyong istilo ng pamumuhay. Huwag na huwag mong tutularan si Esau, na humamak sa espirituwal na mga bagay! (Gen. 25:34; Heb. 12:16) At tiyak na ayaw mong maging gaya ng taong mayaman na inanyayahang ipagbili ang kaniyang mga pag-aari, ibigay ito sa mga dukha, at sumunod kay Jesus. Sa halip na tanggapin ang paanyaya, ang lalaking ito ay “umalis na napipighati, sapagkat marami siyang tinataglay na mga pag-aari.” (Mat. 19:21, 22) Dahil nasilo siya ng kayamanan, naiwala ng lalaking ito ang isang napakalaking pribilehiyo—ang maging tagasunod ng pinakadakilang tao na nabuhay kailanman! Mag-ingat na huwag mong maiwala ang pribilehiyong maging alagad ni Jesu-Kristo.
9, 10. Ano ang masasabi mong pangmalas ng Bibliya sa materyal na mga bagay?
9 Para huwag tayong labis na mag-alala sa materyal na mga bagay, sundin natin ang babala ni Jesus: “Huwag kayong mabalisa at magsabing, ‘Ano ang aming kakainin?’ o, ‘Ano ang aming iinumin?’ o, ‘Ano ang aming isusuot?’ Sapagkat ang lahat ng ito ang mga bagay na masikap na hinahanap ng mga bansa. Sapagkat nalalaman ng inyong makalangit na Ama na kailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito.”—Mat. 6:31, 32; Luc. 21:34, 35.
10 Sa halip na mabiktima ng mapanlinlang na kapangyarihan ng kayamanan, tularan natin ang pangmalas ng manunulat ng Bibliya na si Agur, na nagsabi: “Huwag mo akong paghirapin o payamanin. Bigyan mo lang ako ng kailangan ko.” (Kaw. 30:8, Contemporary English Version) Alam ni Agur na mahalaga ang salapi, pero nauunawaan din niya na mapanlinlang ang kapangyarihan ng kayamanan. Tandaan natin na makasisira ng ating espirituwalidad ang mga kabalisahan ng sistemang ito ng mga bagay at ang mapanlinlang na kapangyarihan ng kayamanan. Ang labis-labis na pag-aalala sa materyal na mga bagay ay uubos ng ating panahon at lakas, anupat hihina o mawawala pa nga ang ating determinasyon na itaguyod ang Kaharian. Kung gayon, maging determinado na umiwas sa silo ng materyalismo, isa sa mga bitag ni Satanas!—Basahin ang Hebreo 13:5.
PANGANGALUNYA—ISANG NAKAKUBLING HUKAY
11, 12. Paano maaaring mahulog sa pangangalunya ang isang Kristiyano sa lugar ng trabaho?
11 Para mahuli ang isang malakas na hayop, ang mga mangangaso ay gumagawa ng hukay sa landas na madalas daanan ng hayop, at tinatakpan ito ng maliliit na sanga at lupa para hindi mahalata. Katulad ng bitag na ito ang isa sa pinakamatagumpay na tukso ni Satanas—ang imoralidad. (Kaw. 22:14; 23:27) May mga Kristiyanong nahulog sa hukay na iyan dahil hinayaan nilang malagay sila sa alanganing sitwasyon. Ang ilang may-asawang Kristiyano ay natuksong mangalunya matapos magkaroon ng di-wastong romantikong ugnayan sa hindi nila asawa.
12 Posibleng magsimula ang di-wastong romantikong ugnayan sa isang katrabaho. Ipinakikita ng isang pag-aaral na mahigit sa kalahati ng bilang ng mga babaing nangalunya at halos 3 sa bawat 4 na lalaking nangalunya ang nakipagrelasyon sa kanilang katrabaho. May mga katrabaho ka bang di-kasekso? Kung oo, anong klaseng ugnayan ang mayroon ka sa kanila? May hangganan ba ang pakikisama mo at sinisikap na panatilihing hanggang trabaho lang ito? Halimbawa, baka ang isang sister ay paulit-ulit na nakikipag-usap sa isang lalaking katrabaho niya. Di-magtatagal, baka maging kapalagayang-loob niya ito at maihinga rito ang mga problema nila ng kaniyang mister. O baka naman isang brother ang maging palakaibigan sa isang babaing
katrabaho niya at mangatuwiran siya: “Mahalaga sa kaniya ang opinyon ko at nakikinig siya sa ’kin. Pinahahalagahan niya ako. Sana ganito rin ang trato sa ’kin ng misis ko!” Nakikita mo ba kung paano nalalantad sa tukso ng pangangalunya ang mga Kristiyanong nasa ganitong sitwasyon?13. Paano maaaring magsimula ang di-wastong romantikong ugnayan sa loob ng kongregasyon?
13 Maaari ding magsimula ang di-wastong romantikong ugnayan sa loob ng kongregasyon. Ganito ang nangyari sa mag-asawang sina Daniel at Sarah, * parehong regular pioneer. Ayon kay Daniel, siya’y “isang elder na hindi marunong humindi.” Tinatanggap niya ang lahat ng pribilehiyong ibinibigay sa kaniya. Nagdaraos noon si Daniel ng Bible study sa limang lalaki—at tatlo sa mga ito ang nabautismuhan. Ang mga bagong brother na ito ay nangangailangan ng pag-alalay. Kapag abala si Daniel sa kaniyang iba’t ibang atas sa kongregasyon, si Sarah ang tumutulong sa kanila. Di-nagtagal, ganito ang naging takbo ng mga bagay-bagay: Ang mga dating study ni Daniel ay nangangailangan ng emosyonal na suporta, at si Sarah ang naglalaan nito. Kailangan din ni Sarah ng atensiyon, at nakukuha naman niya ito sa mga study ni Daniel. Naiumang ang isang nakamamatay na silo. “Nasaid sa espirituwal at emosyonal na paraan ang asawa ko dahil sa maraming buwan ng pagtulong sa iba,” ang sabi ni Daniel. “Ito, pati na ang pagpapabaya ko sa kaniya, ay humantong sa masaklap na pangyayari. Nakagawa ng pangangalunya ang misis ko sa isa sa mga dating inaaralan ko. Masyado akong naging abala sa aking mga pribilehiyo kaya hindi ko man lang napansin na nanghihina na siya sa espirituwal.” Paano mo maiiwasan ang ganiyang trahedya?
14, 15. Ano ang makatutulong sa mga Kristiyanong may asawa para huwag silang mahulog sa pangangalunya?
14 Para maiwasang mahulog sa pangangalunya, kailangan mong isipin kung ano ang kahulugan ng sumpaan ninyong mag-asawa. Sinabi ni Jesus: “Ang pinagtuwang ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng sinumang tao.” (Mat. 19:6) Huwag na huwag mong iisipin na mas mahalaga ang iyong mga teokratikong pribilehiyo kaysa sa asawa mo. Tandaan din na kung madalas kayong nagkakalayo ng asawa mo dahil sa di-kinakailangang mga gawain, maaaring pahiwatig ito na may problema ang pagsasama ninyo at maaari kayong mahulog sa tukso at magkasala ng pangangalunya.
15 Pero kung isa kang elder, paano naman ang kawan? Sumulat si apostol Pedro: “Pastulan ninyo ang kawan ng Diyos na nasa inyong pangangalaga, hindi napipilitan, kundi maluwag sa kalooban; ni hindi dahil sa pag-ibig sa di-tapat na pakinabang, kundi may pananabik.” (1 Ped. 5:2) Dapat mong asikasuhin ang mga miyembro ng kongregasyon. Pero hindi mo dapat isakripisyo ang iyong papel bilang asawang lalaki para magampanan ang iyong papel bilang pastol. Walang kabuluhan—at mapanganib pa nga—na ibuhos ang atensiyon mo sa pagpapakain sa kongregasyon habang “nagugutom” naman ang asawa mo. Sinabi ni Daniel, “Hindi ka dapat masyadong magpakaabala sa pag-aasikaso sa iyong mga pribilehiyo anupat napapabayaan mo ang sarili mong pamilya.”
16, 17. (a) Sa lugar ng trabaho, anong mga hakbang ang puwedeng gawin ng may-asawang Kristiyano para ipakita na hinding-hindi siya puwedeng makipagrelasyon sa iba? (b) Magbigay ng halimbawa ng artikulo sa ating mga magasin na makatutulong sa mga Kristiyano na umiwas sa pangangalunya.
16 Maraming magandang payo na inilathala sa mga magasing Bantayan at Gumising! ang makatutulong sa mga Kristiyanong may asawa na umiwas sa pangangalunya. Halimbawa, ganito ang payo ng Bantayan ng Setyembre 15, 2006: “Sa lugar ng trabaho at sa iba pang lugar, iwasan ang situwasyon na maaaring umakay sa pagkahulog ng iyong loob sa iba. Halimbawa, ang madalas na pag-o-overtime
kasama ng isang di-kasekso ay maaaring umakay sa tukso. Bilang isang may-asawang lalaki o babae, dapat mong ipakita sa pamamagitan ng iyong pananalita at pagkilos na hinding-hindi ka puwedeng makipagrelasyon sa iba. Bilang isa na nagtataguyod ng makadiyos na debosyon, tiyak na hindi mo pupukawin ang atensiyon ng iba sa pamamagitan ng pakikipagligaw-biro o ng di-mahinhing pananamit at pag-aayos. . . . Ang pagdidispley ng mga litrato ng iyong asawa at mga anak sa lugar ng iyong trabaho ay magpapaalaala sa iyo at sa mga katrabaho mo na mahalaga sa iyo ang iyong pamilya. Maging determinado na huwag kailanman pasiglahin—o kunsintihin pa nga—ang pang-aakit sa iyo ng iba.”17 Ang artikulong “Katapatan sa Asawa—Ano ba Talaga ang Kahulugan Nito?” sa Gumising! ng Abril 2009 ay nagbababala tungkol sa seksuwal na pagpapantasya sa hindi mo asawa. Binanggit ng artikulong ito na ang gayong pagpapantasya ay puwedeng mauwi sa pangangalunya. (Sant. 1:14, 15) Kung may asawa ka, makabubuting talakayin ninyong mag-asawa ang ganitong impormasyon sa pana-panahon. Ang pag-aasawa ay kaayusan ni Jehova, at sagrado ito. Maipakikita mong pinahahalagahan mo ang mga bagay na sagrado kung maglalaan ka ng panahon para pag-usapan ang pagsasama ninyong mag-asawa.—Gen. 2:21-24.
18, 19. (a) Ano ang masasamang resulta ng pangangalunya? (b) Ano ang mga pagpapala ng mga nananatiling tapat sa kanilang asawa?
18 Kung natutukso kang magkaroon ng di-wastong romantikong ugnayan sa iba, bulay-bulayin ang masasamang resulta ng pakikiapid at pangangalunya. (Kaw. 7:22, 23; Gal. 6:7) Naiwawala ng mga nangangalunya ang pagsang-ayon ni Jehova. Sinasaktan nila ang kanilang asawa at ang kanilang sarili. (Basahin ang Malakias 2:13, 14.) Isip-isipin naman ang mga pagpapala ng mga nananatiling malinis sa moral. May pag-asa silang mabuhay magpakailanman at mayroon din silang kasiya-siyang buhay ngayon, lakip na ang malinis na budhi.—Basahin ang Kawikaan 3:1, 2.
19 Umawit ang salmista: “Ang saganang kapayapaan ay nauukol sa mga umiibig sa [kautusan ng Diyos], at sa kanila ay walang katitisuran.” (Awit 119:165) Kaya ibigin mo ang katotohanan, at ‘mahigpit na magbantay na ang iyong paglakad ay hindi gaya ng di-marurunong kundi gaya ng marurunong’ sa balakyot na mga huling araw na ito. (Efe. 5:15, 16) Ang landas na dinaraanan natin ay punô ng mga bitag na iniumang ni Satanas para siluin ang mga tunay na mananamba ng Diyos. Pero puwede nating protektahan ang ating sarili. Ibinigay sa atin ni Jehova ang kailangan natin para tayo’y ‘makatayong matatag’ at ‘masugpo ang lahat ng nag-aapoy na mga suligi ng isa na balakyot’!—Efe. 6:11, 16.
[Talababa]
^ par. 13 Binago ang mga pangalan.
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 26]
Ang materyalismo ay sumasakal sa espirituwalidad. Huwag hayaang mangyari iyan sa iyo
[Larawan sa pahina 29]
Ang panliligaw-biro—o pagpapaligaw-biro—ay maaaring umakay sa pangangalunya