Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 TAMPOK NA PAKSA

Isang Naiibang Web Site

Isang Naiibang Web Site
  • BASAHIN ang Bibliya sa mga 50 wika at ang salig-Bibliyang impormasyon sa mahigit 500 wika.

  • PANOORIN ang impormasyon sa halos 70 sign language.

  • MAG-NAVIGATE sa site sa daan-daang wika.

  • PAKINGGAN ang mga audio drama ng kapana-panabik na mga kuwento sa Bibliya.

  • TINGNAN kung paano binibigyang-buhay ang mga pangyayari sa Bibliya sa tulong ng mga isinalarawang kuwento.

  • PANOORIN ang mga drama sa Bibliya at mga video na tutulong sa iyo na maharap ang mga problema sa buhay.

  • MAG-DOWNLOAD ng mga e-book, artikulo ng magasin, at audio file; lahat ay libre.

  • MAG-RESEARCH ng sari-saring paksa sa Watchtower ONLINE LIBRARY—ang tulay sa saganang impormasyon na makukuha sa mahigit 100 wika.

 PARA SA MGA MAG-ASAWA

“Gusto kong maging masaya ang pamilya ko. Nagkakaproblema kaming mag-asawa, at lumala pa ito nang magkaanak kami. Kailangan namin ng tulong”

SINASABI NG BIBLIYA:

“Sa karunungan ay mapatitibay ang sambahayan, at sa kaunawaan ay matatatag ito nang matibay.”Kawikaan 24:3.

PRAKTIKAL NA MGA FEATURE NG WEB SITE

Ang seksiyong “Mag-asawa at Magulang” ay makatutulong sa iyo na maharap ang mga hamong gaya ng:

  • Kung paano magtatagumpay sa unang taon ng pag-aasawa

  • Kung paano makikitungo sa mga biyenan

  • Pagdidisiplina sa mga anak

  • Pagtatalo

  • Kung paano haharapin ang mga problema sa pera

(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA > MAG-ASAWA AT MAGULANG)

Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya ay isang aklat na tumatalakay sa iba’t ibang paksang pampamilya, mula sa paghahanda sa pag-aasawa hanggang sa pag-aalaga sa may-edad nang mga magulang.

(Available din sa www.jw.org/tl. Tingnan sa PUBLIKASYON > AKLAT AT BROSYUR)

 PARA SA MGA MAGULANG

“Ang mga anak ko ang pinakaimportante sa akin. Gusto kong lumaki sila na maipagmamalaki ko”

SINASABI NG BIBLIYA:

“Sanayin mo ang bata ayon sa daang nararapat sa kaniya; tumanda man siya ay hindi niya iyon lilihisan.”Kawikaan 22:6.

PRAKTIKAL NA MGA FEATURE NG WEB SITE

Ang seksiyong “Mga Bata” ay may mga isinalarawang kuwento sa Bibliya, laro at larawan, video, at mga leksiyon sa Bibliya na tutulong sa iyo na turuan ang iyong mga anak na . . .

  • maging masunurin

  • maging mabait

  • magkasundo

  • magsabi ng “salamat”

(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA > MGA BATA)

Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya at Matuto Mula sa Dakilang Guro ay mga aklat na may magagandang larawan at puwede mong basahin sa iyong mga anak.

(Available din sa www.jw.org/tl. Tingnan sa PUBLIKASYON > AKLAT AT BROSYUR)

 PARA SA MGA TIN-EDYER

“Gusto ko ng mga tip na tutulong sa akin na maharap ang mga problema sa iskul, mga magulang, di-kasekso, at iba pa. Hindi na ’ko bata, kaya ayokong sinasabihan ako ng dapat kong gawin”

SINASABI NG BIBLIYA:

“Magsaya ka . . . sa iyong kabataan.”Eclesiastes 11:9.

PRAKTIKAL NA MGA FEATURE NG WEB SITE

Ang seksiyong “Tin-edyer” ay may mga artikulo at video na makatutulong sa iyo . . .

  • kung pakiramdam mo’y nag-iisa ka

  • kung may problema ka sa iskul

  • kung hindi mo nasunod ang ipinagbabawal ng magulang mo

  • kung binu-bully ka o binabastos

(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA > TIN-EDYER)

Ang Tomo 1 at 2 ng Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas ay tumatalakay sa 77 mahahalaga at karaniwang mga tanong.

(Available din sa www.jw.org/tl. Tingnan sa PUBLIKASYON > AKLAT AT BROSYUR)

 PARA SA MGA GUSTONG MATUTO TUNGKOL SA BIBLIYA

“Gusto kong maintindihan ang Bibliya. Ano’ng dapat kong gawin?”

SINASABI NG BIBLIYA:

“Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at kapaki-pakinabang sa pagtuturo.”2 Timoteo 3:16.

PRAKTIKAL NA MGA FEATURE NG WEB SITE

Ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan ay isang salin ng Bibliya na tumpak at madaling basahin.

(Tingnan sa PUBLIKASYON > BIBLIYA)

Ang seksiyong “Sagot sa mga Tanong sa Bibliya” ay nagbibigay ng malinaw na sagot sa mga tanong na gaya ng “Bakit hinayaan ng Diyos na mangyari ang Holocaust?” at “Kailan ipinanganak si Jesus?”

(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA > SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA)

Sa page na “Humiling ng Libreng Pag-aaral sa Bibliya,” puwede kang mag-request ng libreng pag-aaral sa Bibliya.

(I-click ang link na “Humiling ng Pag-aaral sa Bibliya” na nasa home page)

“Tinigilan ko na ang pagbabasa ng Bibliya, hindi ko naman kasi ito maintindihan. Pero nang pag-aralan ko ito gamit ang aklat na ‘Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?’ nagulat ako. Ang dali-dali lang pala nitong maintindihan!”—Christina.

Araw-araw, mga 700,000 katao ang nagpupunta sa jw.org. Bakit hindi mo rin subukan?