Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

May Nagdisenyo ba Nito?

Pakpak ng mga Hayop na Lumilipad

Pakpak ng mga Hayop na Lumilipad

◼ Para sa iyo, alin ang pinakamahusay lumipad? Eroplano o mga hayop gaya ng paniki, insekto, at ibon? Maniwala ka man o hindi, walang sinabi ang eroplano kung ihahambing sa maliliit pero pambihirang mga nilalang na ito, na “kahanga-hanga ang kakayahang manatili sa ere kahit malakas ang hangin, maulan, at lumalagpak ang niyebe,” ang sabi ni Wei Shyy, propesor sa aerospace engineering sa University of Michigan. a Ang kanilang sekreto? Mga pakpak na kumakampay​—ang kinaiinggitan ng mga piloto mula pa noong una nilang subukang magpalipad.

Pag-isipan ito: Habang lumilipad ang ilang ibon at insekto, binabagu-bago nito ang porma ng kanilang pakpak para iangkop sa kapaligiran. Sa gayon, nakakatigil sila sa ere at kayang-kaya nilang biglang lumiko at sumalimbay. Iniulat ng magasing Science News kung ano ang naobserbahan sa mga paniki: “Kapag lumilipad nang mabagal, mga 1.5 metro kada segundo, halos tumitiklop ang dulo ng kanilang pakpak at pagkatapos ay bigla nila itong ipipilantik. Ipinapalagay ng mga siyentipiko na ang teknik na ito . . . ang tumutulong [sa kanila] na pumailanlang at makalipad.”

Tiyak na marami pa tayong matututuhan tungkol sa mga hayop na lumilipad. “Ano ang aktuwal na ginagawa nila sa ere para pumailanlang nang walang kahirap-hirap?” ang tanong ni Peter Ifju, propesor sa mechanical at aerospace engineering sa University of Florida. Sinabi pa niya: “Marami pa tayong hindi nauunawaan kung paano nakatutulong sa pag-angat at paglipad ang galaw ng hangin at ang hugis ng mga bagay. Nakikita natin ang ginagawa [ng mga ibon at insekto] sa kanilang paglipad, pero hindi natin alam kung ano ang kaugnayan nito sa takbo ng hangin.”

Ano sa palagay mo? Nagkataon lamang ba ang napakahusay na pakpak ng mga hayop na lumilipad? O may nagdisenyo nito?

[Talababa]

a Bagaman maraming may pakpak na mga nilalang ang nakalilipad kahit maulan, ang karamihan ay naghahanap ng masisilungan.

[Larawan sa pahina 24]

“Broad-billed hummingbird”

[Credit Line]

Laurie Excell/Fogstock/ age fotostock

[Larawan sa pahina 24]

“Mouse-eared bat”

[Credit Line]

© Delpho, M/age fotostock