Ang Pinakamahalagang Pangyayari sa Kasaysayan
Ang Pinakamahalagang Pangyayari sa Kasaysayan
Ang pangyayaring iyon ay ang kamatayan ni Jesu-Kristo. Bakit?
Dahil napatunayan nitong matuwid ang Diyos at kaya ng isang tao na maging lubusang tapat sa Kaniya.
Sa pamamagitan din nito, nagkaroon ng pag-asa ang sangkatauhan na magkamit ng buhay na walang hanggan sa Paraiso sa lupa.
Si Jesus mismo ang nagtatag ng memoryal ng kaniyang kamatayan noong gabi bago siya mamatay. Simple lamang ang ginawang seremonya. Sa okasyong ito, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: “Patuloy ninyong gawin ito bilang pag-alaala sa akin.”—Lucas 22:19, 20.
Aalalahanin mo ba ito?
Inaanyayahan ka ng mga Saksi ni Jehova na samahan sila sa pagdiriwang ng pinakamahalagang pangyayaring ito sa kasaysayan. Sa taóng ito, ang petsa ng okasyon ay sa Sabado, Marso 22, pagkalubog ng araw. Pakisuyong makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar para sa eksaktong oras at lokasyon. Walang gagawing pangongolekta ng pera doon. Malugod na tinatanggap ang mga panauhin upang mapakinggan ang nakapagtuturong pahayag at mapagmasdan ang simpleng seremonya.