Ang Kaniyang Solusyon sa Polusyon sa Ingay

Ang Kaniyang Solusyon sa Polusyon sa Ingay

Ang Kaniyang Solusyon sa Polusyon sa Ingay

“Nagtatrabaho ako sa isang kompanya na gumagawa ng laruan. Rutin ang uri ng trabaho ko, at ang mga empleado ay pinapayagan namang makinig ng musika. Napakahilig makinig ng nakasasamang musika ang isa sa mga katrabaho ko, na katabi lamang ng cubicle ko. Gusto rin ng dalawa pang katrabaho ko sa aking departamento ang uri ng musikang iyon. Pero isang pagsubok para sa akin na mapakinggan ang musikang iyon sa loob ng walong oras sa isang araw.

“Pinag-isipan ko naman ang mga bentaha ng pananatili ko sa trabaho. Ang isa ay lagi akong pinapayagan ng aking superbisor na lumiban para makadalo sa pandistritong mga kombensiyon at pantanging mga pulong para sa mga Saksi ni Jehova na nasa buong-panahong ministeryo. Madali rin akong makarating sa trabaho, at may oras pa ako para sa aking ministeryo.

“Nilapitan ko ang aking mga katrabaho at magalang na pinakiusapan ko sila na alinman sa palitan nila ang musika o hinaan ang pagpapatugtog. Tumugon sila sa pamamagitan ng pagrereklamo sa aming superbisor. Pinatawag ako ng superbisor sa kaniyang opisina. Sinabi niya: ‘Sharon, hindi mo puwedeng kumbertihin ang kompanyang ito sa iyong relihiyon. Makapakikinig ang mga empleado natin sa anumang ibig nilang pakinggan.’

“Sa gayon ay nakiusap ako kung maaari akong magdala ng sarili kong cassette recorder at isang set ng headphone. Pumayag naman siya. Nagdala ako ng mga audio recording ng The Watchtower. Nakatulong ito sa akin na maiwasang mapakinggan ang kanilang di-kanais-nais na musika. Nakatulong din sa akin ang pakikinig sa mga tape para mapanatiling malakas ang aking espirituwalidad.”​—Ayon sa salaysay ni Sharon Quan.