ANG BANTAYAN—EDISYON PARA SA PAG-AARAL

Kung Paano Mas Madaling Matatandaan ang mga Teksto

Tagalog
Kung Paano Mas Madaling Matatandaan ang mga Teksto
/assets/ct/28ada02fb0/images/syn_placeholder_sqr.png
w25 Hunyo p. 32

TIP SA PAG-AARAL

Kung Paano Mas Madaling Matatandaan ang mga Teksto

Kung Paano Mas Madaling Matatandaan ang mga Teksto

Baka may tekstong nakapagpatibay sa iyo, nakatulong sa iyo na labanan ang maling kaisipan, o gusto mong i-share sa iba. Kaso hindi mo na iyon matandaan. (Awit 119:11, 111) Ano ang makakatulong sa iyo? Ito ang ilang tip:

  • Gamitin ang tag feature ng JW Library® app. Gumawa ng tag para sa mga paborito mong teksto, at i-save doon ang mga tekstong magugustuhan mo habang nagbabasa ka ng Bibliya.

  • I-post o i-display ang teksto kung saan ito madaling makita. Isulat sa papel ang tekstong gusto mong matandaan, at ilagay ito sa lugar na madalas mong nadadaanan—puwedeng sa salamin o sa pinto ng ref. Ginagawa rin ng iba na wallpaper o screen saver sa gadyet nila ang tekstong nagustuhan nila.

  • Gumawa ng mga flash card. Isulat ang teksto sa isang bahagi ng card; isulat naman sa likod ang sinasabi sa tekstong iyon. Pagkatapos, kung anong bahagi ng card ang nakaharap sa iyo, subukang alalahanin ang nakalagay sa likod nito.