TIP SA PAG-AARAL
Mag-imagine Habang Nagbabasa ng Bibliya
Marami tayong mababasa sa Bibliya na ulat ng mga nangyari noon na may mahahalagang aral. Makakatulong ang pag-i-imagine sa mga ulat na ito para mas maintindihan ang binabasa natin at mas makinabang tayo. Paano natin magagawa iyan? Ito ang ilang tip.
-
Magbasa nang malakas. Kapag nagbabasa ka nang malakas, mas mai-imagine mo ang binabasa mong eksena sa Bibliya. Kapag binabasa ninyo naman ang Bibliya bilang pamilya, mas maiintindihan ninyo ang mga eksena kung may tig-iisang karakter kayong binabasa sa ulat na iyon.
-
Ilarawan sa isip ang mga eksena. Alamin ang iniisip at nararamdaman ng mga karakter sa binabasa mo. Puwede mong tanungin ang mga ito: ‘Bakit niya nasabi iyon? Bakit iyon ang nagawa niya? Kung ako ang nasa sitwasyon niya, ano kaya ang mararamdaman o maiisip ko?’
-
Mag-drawing. Tutulong iyan para mas tumatak sa isip mo ang binabasa mo. Puwede mong gawin iyan kahit hindi ka masyadong mahusay mag-drawing.

