Ang Pinakakapaki-pakinabang na Paghahambing na Magagawa Mo
ITINUTURING mo bang Kristiyano ka? Kung oo, isa ka sa mahigit dalawang bilyong tao sa lupa—halos 1 sa bawat 3—na nagsasabing tagasunod sila ni Kristo. Sa ngayon, may libo-libong denominasyon na tinatawag na Kristiyano, pero magkakaiba ang kanilang mga doktrina at pananaw. Kaya baka ibang-iba ang mga paniniwala mo sa iba pang nagsasabing Kristiyano sila. Mahalaga ba kung ano ang paniniwala mo? Oo, lalo na kung gusto mong isagawa ang Kristiyanismo na itinuturo sa Bibliya.
Nakilala ang unang mga tagasunod ni Jesu-Kristo bilang “mga Kristiyano.” (Gawa 11:26) Hindi nila kailangan ng iba pang pangalan dahil iisang pananampalatayang Kristiyano lang ang umiiral noon. May-pagkakaisang sinusunod ng mga Kristiyano ang mga turo at tagubilin ng Tagapagtatag ng Kristiyanismo, si Jesu-Kristo. Kumusta naman ang relihiyon mo? Naniniwala ka bang itinuturo nito ang itinuro ni Kristo at ang pinaniwalaan ng unang mga tagasunod ni Kristo? Paano mo matitiyak? Isa lang ang paraan—gamitin ang Bibliya bilang sukatan.
Pag-isipan ito: Si Jesu-Kristo ay may matinding paggalang sa Kasulatan bilang ang Salita ng Diyos. Marcos 7:9-13) Kaya masasabi nating sa Bibliya ibinabatay ng tunay na mga tagasunod ni Jesus ang kanilang paniniwala. Makabubuting itanong ng bawat Kristiyano sa kaniyang sarili, ‘Ayon ba sa Bibliya ang itinuturo ng aking relihiyon?’ Para masagot iyan, bakit hindi mo paghambingin ang mga turo ng relihiyon mo at ang sinasabi ng Bibliya?
Hindi niya sinasang-ayunan ang mga taong winawalang-saysay ang mga turo ng Bibliya dahil sa mga tradisyon ng tao. (Sinabi ni Jesus na ang pagsamba natin sa Diyos ay dapat na nakabatay sa katotohanan—ang katotohanang nasa Bibliya. (Juan 4:24; 17:17) Sinabi rin ni apostol Pablo na ang ating kaligtasan ay nakadepende sa pagsapit natin sa “tumpak na kaalaman sa katotohanan.” (1 Timoteo 2:4) Kaya mahalaga na nakabatay sa tumpak na katotohanan sa Bibliya ang ating mga paniniwala. Nakataya rito ang ating kaligtasan!
KUNG PAANO IHAHAMBING ANG ATING PANINIWALA SA SINASABI NG BIBLIYA
Inaanyayahan ka naming basahin ang sumusunod na anim na tanong at pansinin ang sagot ng Bibliya sa mga ito. Tingnan ang mga teksto sa Bibliya, at pag-isipan ang mga sagot. Pagkatapos, tanungin ang sarili, ‘Kumusta ang mga turo ng relihiyon ko kung ihahambing sa sinasabi ng Bibliya?’
Makatutulong sa iyo ang tanong-sagot na ito para makagawa ka ng pinakakapaki-pakinabang na paghahambing. Handa ka bang paghambingin ang ibang turo ng relihiyon mo at ang sinasabi ng Bibliya? Malulugod ang mga Saksi ni Jehova na tulungan kang suriin ang malinaw na katotohanan sa Bibliya. Bakit hindi humiling ng libreng pag-aaral ng Bibliya sa isa sa mga Saksi? O puwede kang magpunta sa aming website na jw.org.