Setyembre 22-28
ECLESIASTES 1-2
Awit Blg. 103 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
1. Patuloy na Sanayin ang Susunod na Henerasyon
(10 min.)
[I-play ang VIDEO na Introduksiyon sa Eclesiastes.]
Responsibilidad ng bawat henerasyon na sanayin ang susunod sa kanila (Ec 1:4; w17.01 27-28 ¶3-4)
Kung sasanayin natin ang iba at bibigyan sila ng atas, matutulungan natin silang maranasan ang saya sa paglilingkod kay Jehova (Ec 2:24)
Huwag matakot na sanayin ang mga nakababatang brother dahil lang sa ayaw mong mawala sa iyo ang pribilehiyong gustong-gusto mo
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
-
Ec 1:1—Bakit inilarawan si Solomon bilang “tagapagtipon”? (it “Eclesiastes” ¶1)
-
Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Ec 1:1-18 (th aralin 11)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(2 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Alamin kung anong paksa interesado ang kausap mo at kung paano mo siya makakausap ulit. (lmd aralin 3: #5)
5. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(2 min.) PAMPUBLIKONG PAGPAPATOTOO. Ipakipag-usap ang isang katotohanan mula sa “Mga Katotohanang Gustong-gusto Nating Ituro” gamit ang paraang nasa apendise A ng brosyur na Mahalin ang mga Tao. (lmd aralin 2: #3)
6. Pagdalaw-Muli
(2 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Sagutin ang tanong na sinabi ng kausap mo noong huli kayong mag-usap. (lmd aralin 9: #5)
7. Paggawa ng mga Alagad
(5 min.) PAMPUBLIKONG PAGPAPATOTOO. Ipakita kung paano ginagawa ang Bible study, at planuhin kung paano ninyo ito itutuloy. (lmd aralin 10: #3)
Awit Blg. 84
8. Tatlong Mahahalagang Aral Tungkol sa Pagsasanay
(15 min.) Pagtalakay.
Pag-ibig ang magpapakilos sa atin na sanayin ang iba para matapos ang mga gawaing ibinigay ni Jehova sa atin
Maraming magagandang halimbawa sa Bibliya na tutulong sa atin kung paano sasanayin ang iba. Halimbawa, kung paano sinanay ni Samuel si Saul, ni Elias si Eliseo, ni Jesus ang mga alagad niya, at ni Pablo si Timoteo. Pero si Jehova ang talagang pinakamahusay na tagapagsanay. Ano ang matututuhan natin sa halimbawa niya?
I-play ang VIDEO na Tularan ang Paraan ng Pagsasanay ni Jehova (Ju 5:20)—Video Clip. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
-
Anong tatlong aral ang matututuhan natin sa paraan ni Jehova ng pagsasanay?
9. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) lfb aral 20-21

