WORKBOOK SA BUHAY AT MINISTERYO

Huwag Sumunod sa Karamihan

Tagalog
Huwag Sumunod sa Karamihan
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/202020323/univ/art/202020323_univ_sqr_xl.jpg
mwb20 Setyembre p. 2

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | EXODO 23-24

Huwag Sumunod sa Karamihan

Huwag Sumunod sa Karamihan

23:1-3

Sinabihan ni Jehova ang mga testigo at hukom sa mga kaso na huwag magpaimpluwensiya sa karamihan dahil baka makapagbigay sila ng maling patotoo o mabaluktot nila ang hatol. Ang prinsipyong ito ay makakatulong din sa iba pang bahagi ng buhay. Iniimpluwensiyahan ng mundong ito ang mga Kristiyano na gayahin ang pag-iisip at paggawi ng mga taong hindi sumusunod kay Jehova.​—Ro 12:2.

Bakit hindi tamang sumunod sa karamihan

  • kapag may narinig na tsismis o impormasyong walang basehan?

  • kapag pumipili ng damit, style ng buhok, o libangan?

  • pagdating sa pananaw at pakikitungo sa mga tao na iba ang lahi, kultura, o kalagayan sa buhay?