Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Sanayin Silang Patuloy na Maglingkod kay Jehova

Sanayin Silang Patuloy na Maglingkod kay Jehova

Maraming karanasan ang nagpapakitang kapag sinanay agad na maging regular at masigasig sa ministeryo ang mga baguhang mamamahayag, kadalasang nagiging epektibo sila. (Kaw 22:6; Fil 3:16) Narito ang ilang mungkahi kung paano mo tutulungan ang isang estudyante na maging mahusay sa ministeryo:

  • Kapag naaprobahan na ang iyong estudyante na maging mamamahayag, sanayin agad siya. (km 8/15 1) Idiin sa kaniya na mahalagang isama sa kaniyang lingguhang rutin ang ministeryo. (Fil 1:10) Gawing positibo ang iyong mga komento tungkol sa teritoryo. (Fil 4:8) Pasiglahin siyang sumama sa tagapangasiwa ng grupo at iba pang mamamahayag para makinabang siya sa kanilang karanasan.—Kaw 1:5; km 10/12 6 ¶3

  • Kahit nabautismuhan na ang iyong estudyante, patuloy siyang pasiglahin at sanayin sa ministeryo, lalo na kung hindi pa niya tapós pag-aralan ang aklat na Pag-ibig ng Diyos.km 12/13 7

  • Gawing simple ang iyong presentasyon kapag kasama mo sa ministeryo ang isang baguhang mamamahayag. Pagkatapos ng kaniyang presentasyon, bigyan siya ng komendasyon. Magbigay ng mga mungkahi para maging mas epektibo siya.—km 5/10 7