WORKBOOK SA BUHAY AT MINISTERYO

Maging Matalino sa Pagpili ng Mapapangasawa

Tagalog
Maging Matalino sa Pagpili ng Mapapangasawa
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/202022325/univ/art/202022325_univ_sqr_xl.jpg
mwb22 Setyembre p. 4

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

Maging Matalino sa Pagpili ng Mapapangasawa

Maging Matalino sa Pagpili ng Mapapangasawa

Hindi naging matalino si Solomon nang mag-asawa siya ng mga babaeng sumasamba sa mga huwad na diyos (1Ha 11:1, 2; w18.07 18 ¶7)

Dahil sa impluwensiya ng mga asawa niya, unti-unting napalayo si Solomon kay Jehova (1Ha 11:3-6; w19.01 15 ¶6)

Nagalit si Jehova kay Solomon (1Ha 11:9, 10; w18.07 19 ¶9)

Pinapayuhan ng Salita ng Diyos ang mga Kristiyano na kung mag-aasawa sila, “dapat na tagasunod ito ng Panginoon.” (1Co 7:39) Pero kahit bautisado na ang isang tao, hindi ito garantiya na magiging mabuti siyang asawa. Matutulungan ka ba niyang patuloy na maglingkod kay Jehova nang buong kaluluwa? Napatunayan na ba ng panahon ang pag-ibig niya kay Jehova? Bago ka pumayag na magpakasal, kilalanin mo munang mabuti ang kasintahan mo.