WORKBOOK SA BUHAY AT MINISTERYO

Hanggang sa Mangyari Na ang Pagkabuhay-Muli

Tagalog
Hanggang sa Mangyari Na ang Pagkabuhay-Muli
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/202022343/univ/art/202022343_univ_sqr_xl.jpg
mwb22 Setyembre p. 15

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Hanggang sa Mangyari Na ang Pagkabuhay-Muli

Hanggang sa Mangyari Na ang Pagkabuhay-Muli

Kapag namatayan tayo ng mahal sa buhay, nagbibigay sa atin ng kaaliwan ang pag-asa ng pagkabuhay-muli. Pero pinapahirapan pa rin tayo ng kasalanan at kamatayan, na parang isang talukbong na bumabalot sa atin. (Isa 25:7, 8) Isang dahilan ito kung bakit “ang lahat ng nilalang ay patuloy na dumaraing na magkakasama at nasasaktang magkakasama.” (Ro 8:22) Paano natin patuloy na makakayanan ang pagkawala ng isang minamahal hanggang sa mangyari na ang pagkabuhay-muli? Makakatulong ang mga prinsipyo mula sa Salita ng Diyos.

PANOORIN ANG VIDEO NA KAPAG NAMATAY ANG MAHAL MO SA BUHAY. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Anong sakit ang tiniis ni Danielle at ng mag-asawang Masahiro at Yoshimi?

  • Anong limang paraan ang nakatulong sa kanila?

  • Sino ang talagang Pinagmumulan ng kaaliwan?​—2Co 1:3, 4