Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Ano ang Matututuhan Mo sa mga Original Song?

Ano ang Matututuhan Mo sa mga Original Song?

Ano ang ilan sa mga paborito mong original song, at bakit? Napansin mo ba sa video ang karaniwang mga nangyayari sa araw-araw? Iba-iba ang tema at istilo ng musika, kaya may original song para sa lahat. Pero ang mga original song at mga music video ay ginawa hindi lang para marelaks at masiyahan ka.

Ang bawat original song ay may mahahalagang aral na magagamit ng mga Kristiyano sa kanilang buhay at ministeryo. Ang ilang kanta ay tungkol sa pagiging mapagpatuloy, pagkakaisa, pagkakaibigan, tapang at lakas ng loob, pag-ibig, o pananampalataya. Ang iba naman ay tungkol sa panunumbalik kay Jehova, pagpapatawad, pananatiling tapat, at pag-abot ng espirituwal na mga tunguhin. Mayroon ding tungkol sa balanseng paggamit ng gadyet. Ano pang mahahalagang aral ang itinuro sa iyo ng mga original song?

PANOORIN ANG VIDEO NG ORIGINAL SONG NA ITO’Y NALALAPIT NA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Anong pagpapala sa hinaharap ang binubulay-bulay ng may-edad nang mag-asawa?​—Gen 12:3

  • Paano natin mapapatibay ang ating pananampalataya na kayang tuparin ni Jehova ang mga pangako niya?

  • Anong masayang pagkikita-kita ang malapit nang mangyari?

  • Paano makakatulong ang mga pagpapala ng Kaharian para maharap natin ang mga problema sa ngayon?​—Ro 8:25