Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Pag-ibig ang Pagkakakilanlan ng mga Tunay na Kristiyano—Ingatan ang Pagkakaisa

Pag-ibig ang Pagkakakilanlan ng mga Tunay na Kristiyano—Ingatan ang Pagkakaisa

KUNG BAKIT ITO MAHALAGA: Noong gabi bago siya mamatay, nanalangin si Jesus na lubusang magkaisa ang kaniyang mga alagad. (Ju 17:23) Para manatiling nagkakaisa, dapat tayong magpakita ng pag-ibig na ‘hindi nagbibilang ng pinsala.’—1Co 13:5.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Tularan si Jehova at hanapin ang magagandang katangian ng iba

  • Lubusang magpatawad

  • Kapag naayos na ang problema, huwag na itong ungkatin.—Kaw 17:9

PANOORIN ANG VIDEO NA “IBIGIN NINYO ANG ISA’T ISA”—HUWAG MAGBILANG NG PINSALA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Sa unang bahagi ng video, paano ipinakita ni Helen na siya ay “nagbibilang ng pinsala”?

  • Sa ikalawang bahagi ng video, paano napagtagumpayan ni Helen ang kaniyang negatibong kaisipan at nagkaroon ng positibong pananaw sa iba?

  • Paano nakatulong si Helen sa pagkakaisa ng kongregasyon?

Sino talaga ang sinasaktan natin kapag nagbibilang tayo ng pinsala?