Tagalog
Iskedyul ng Pulong Para sa Buhay at Ministeryo Para sa Disyembre 8-14, 2025
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/202025406/univ/art/202025406_univ_sqr_xl.jpg
mwb25 Nobyembre p. 10-11

Disyembre 8-14

ISAIAS 6-8

Disyembre 8-14

Awit Blg. 75 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

1. “Narito Ako! Isugo Mo Ako!”

(10 min.)

Nagboluntaryo agad si Isaias na maging tagapagsalita ng Diyos (Isa 6:8; ip-1 93-94 ¶13-14)

Hindi madali ang atas ni Isaias (Isa 6:9, 10; ip-1 95 ¶15-16)

Marami ang hindi nakinig kay Isaias, at ganoon din ang nangyari sa pangangaral ni Jesus (Mat 13:13-15; ip-1 99 ¶23)

PARA SA PAGBUBULAY-BULAY: Paano ko pa mas mapaglilingkuran si Jehova at ang iba?

2. Espirituwal na Hiyas

(10 min.)

  • Isa 7:3, 4—Bakit iniligtas ni Jehova ang masamang haring si Ahaz? (w06 12/1 9 ¶4)

  • Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?

3. Pagbabasa ng Bibliya

(4 min.) Isa 8:1-13 (th aralin 5)

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO

4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(3 min.) BAHAY-BAHAY. Ipakipag-usap ang isang katotohanan na nasa apendise A ng brosyur na Mahalin ang mga Tao. (lmd aralin 4: #5)

5. Pagdalaw-Muli

(4 min.) BAHAY-BAHAY. Mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya. (lmd aralin 9: #3)

6. Pagdalaw-Muli

(5 min.) BAHAY-BAHAY. Ipakita kung paano ginagawa ang pag-aaral sa Bibliya. (lmd aralin 9: #5)

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Awit Blg. 83

7. Kilalá Tayo sa Pagbabahay-bahay

(15 min.) Pagtalakay.

Kilalá ang mga Saksi ni Jehova sa pagbabahay-bahay bilang pagtulad sa ginawa ni Jesus at ng mga Kristiyano noon.—Luc 10:5; Gaw 5:42.

Dahil sa COVID-19, pansamantalang inihinto ang pangangaral natin sa bahay-bahay. Kaya nagpokus tayo sa iba’t ibang paraan ng pangangaral, gaya ng di-pormal na pakikipag-usap, letter writing, at telephone witnessing. Masaya tayong masubukan ang mga paraang ito! Pero ang pagbabahay-bahay pa rin ang pangunahing paraan natin ng pangangaral. Makakapangaral ka ba sa bahay-bahay nang regular?

Paano makakatulong ang pagbabahay-bahay para magawa ang mga sumusunod?

  • Makausap ang lahat ng tao sa teritoryo

  • Humusay sa pagtuturo, at magkaroon ng mga katangiang gaya ng lakas ng loob, di-pagtatangi, at pagiging mapagsakripisyo

  • Makapagpasimula ng mga Bible study

I-play ang VIDEO na Pangangaral sa Lahat ng Panahon. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Ano ang matututuhan mo sa pagiging mapagsakripisyo ng mga kapatid sa Faroe Islands?

8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya

(30 min.) lfb aral 42-43

Pangwakas na Komento (3 min.) | Awit Blg. 123 at Panalangin