Tagalog
Anong mga Tunguhin ang Puwedeng Abutin ng mga Sister?
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/202021414/univ/art/202021414_univ_sqr_xl.jpg
mwb21 Nobyembre p. 9

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Anong mga Tunguhin ang Puwedeng Abutin ng mga Sister?

Anong mga Tunguhin ang Puwedeng Abutin ng mga Sister?

Malaki ang naitutulong ng mga sister sa gawaing pang-Kaharian. (Aw 68:11) Sila ang nagtuturo sa karamihan ng mga Bible study. Malaking porsiyento ng mga regular pioneer ay sister. Libo-libong masisipag na sister ang naglilingkod bilang Bethelite, misyonera, construction volunteer o servant, at translator. Pinapatibay ng may-gulang na mga sister ang mga kapamilya nila at kakongregasyon. (Kaw 14:1) Hindi naglilingkod ang mga sister bilang elder o ministeryal na lingkod, pero puwede pa rin silang umabót ng mga tunguhin sa kongregasyon. Kung isa kang sister, anong mga tunguhin ang puwede mong abutin?

  • Pasulungin ang mga katangiang Kristiyano.​—1Ti 3:11; 1Pe 3:3-6

  • Tulungan ang mga baguhang sister sa kongregasyon.​—Tit 2:3-5

  • Dagdagan ang panahon sa ministeryo at pasulungin ang kalidad nito

  • Mag-aral ng ibang wika

  • Lumipat kung saan mas malaki ang pangangailangan

  • Mag-apply sa Bethel o tumulong sa pagtatayo ng mga pasilidad para sa pagsamba

  • Mag-apply sa School for Kingdom Evangelizers

PANOORIN ANG VIDEO NA MGA BABAENG “MATIYAGANG NAGLILINGKOD SA PANGINOON.” PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG TANONG NA ITO:

  • Paano ka napatibay ng mga sister na nasa video?