WORKBOOK SA BUHAY AT MINISTERYO

Kung Bakit Naghahandog

Tagalog
Kung Bakit Naghahandog
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/202020405/univ/art/202020405_univ_sqr_xl.jpg
mwb20 Nobyembre p. 3

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | LEVITICO 1-3

Kung Bakit Naghahandog

Kung Bakit Naghahandog

1:3; 2:1, 12; 3:1

Ang paghahandog, o paghahain, na iniutos sa ilalim ng tipang Kautusan ay nagpapasaya kay Jehova, at inilalarawan nito ang haing pantubos ni Jesus o ang mga pakinabang ng haing iyon.​—Heb 8:3-5; 9:9; 10:5-10.

  • Ang lahat ng hayop na inihahain ay dapat na malusog at walang depekto; perpekto rin at walang kasalanan ang katawang inihain ni Jesus.​—1Pe 1:18, 19

  • Ang mga handog na sinusunog ay inihahain sa Diyos nang buo; ibinigay rin ni Jesus nang buo ang kaniyang sarili kay Jehova

  • Ang mga naghahandog ng katanggap-tanggap na haing pansalo-salo ay may mapayapang kaugnayan sa Diyos; mayroon ding mapayapang kaugnayan sa Diyos ang mga pinahiran na nakikibahagi sa Hapunan ng Panginoon