Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | APOCALIPSIS 4-6

Ang Paghayo ng Apat na Mangangabayo

Ang Paghayo ng Apat na Mangangabayo

6:2, 4-6, 8

Si Jesus ay matagumpay na humayo nang makipagdigma siya kay Satanas at sa mga demonyo sa langit, at nang ihagis niya sila sa lupa. Patuloy na nagtatagumpay si Jesus dahil tinutulungan at pinoprotektahan niya ang kaniyang mga lingkod sa mga huling araw na ito. “Para lubusin ang pagtatagumpay niya,” pahihintuin ni Jesus ang tatlong mangangabayo sa Armagedon at babaligtarin niya ang naging epekto ng paghayo nila.