WORKBOOK SA BUHAY AT MINISTERYO

“Isang Kaloob Para kay Jehova”

Tagalog
“Isang Kaloob Para kay Jehova”
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/202018413/univ/art/202018413_univ_sqr_xl.jpg

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

“Isang Kaloob Para kay Jehova”

“Isang Kaloob Para kay Jehova”

Sa ngayon, paano tayo makapagbibigay ng “isang kaloob para kay Jehova”? (1Cr 29:5, 9, 14) Makikita sa ibaba ang iba’t ibang paraan ng pagbibigay ng kusang-loob na mga donasyon para suportahan ang gawain ng mga Saksi ni Jehova sa ating lugar at sa buong mundo.

ANG MGA DONASYONG IBINIGAY ONLINE O SA MGA DONATION BOX AY SUMUSUPORTA SA:

  • PAMBUONG-DAIGDIG NA GAWAIN

    pagtatayo at pagpapatakbo ng mga pasilidad ng sangay at mga remote translation office

    mga teokratikong paaralan

    mga nasa pantanging buong-panahong paglilingkod

    pagtulong sa mga nakaranas ng sakuna

    pag-iimprenta, paggawa ng mga video, at digital publishing

  • GASTUSIN NG KONGREGASYON

    gastusin ng kongregasyon, gaya ng tubig at ilaw, at pagmamantini ng Kingdom Hall

    mga resolusyon ng kongregasyon na magpadala ng pondo sa tanggapang pansangay para sa:

    • konstruksiyon ng Kingdom Hall at Assembly Hall sa buong mundo

    • Global Assistance Arrangement

    • iba pang pambuong-daigdig na gawain

MGA KOMBENSIYON AT ASAMBLEA

Ang mga donasyon sa panrehiyong kombensiyon ay ipinapadala para sa pambuong-daigdig na gawain. Ang mga gastusin naman sa panrehiyon, pantangi, at internasyonal na mga kombensiyon ay kinukuha sa mga donasyon sa worldwide work.

Ang mga donasyon ng sirkito ay ginagamit sa pag-upa, pag-o-operate, at pagmamantini ng mga bulwagang ginagamit sa mga asamblea at iba pang gastusin ng sirkito. Maaaring magpasiya ang sirkito na ibigay sa pambuong-daigdig na gawain ng mga Saksi ni Jehova ang sobrang pondo.