Hunyo 1-7
JEREMIAS 1-3
Awit Blg. 84 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
Si Jeremias na ipinapangaral ang hatol ni Jehova sa huwad na mga mananamba sa Jerusalem
1. “Huwag Kang Matakot . . . Dahil ‘Kasama Mo Ako’”
(10 min.)
[I-play ang VIDEO na Introduksiyon sa Jeremias.]
Gaya ni Jeremias, may ilan na gustong mangaral pero nakakaramdam ng takot o iniisip nila na hindi sila kuwalipikado (Jer 1:6)
Tinutulungan at pinapalakas tayo ni Jehova para magawa ang kalooban niya (Jer 1:8, 9; w10 1/15 9 ¶7-8)
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
-
Jer 2:28—Ano ang matututuhan natin sa sinabi ni Jehova sa di-tapat na mga taga-Juda? (jr 43 ¶3)
-
Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Jer 3:14-25 (th aralin 12)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(3 min.) BAHAY-BAHAY. Matapos masimulan ang pag-uusap tungkol sa isang kasalukuyang pangyayari, magbahagi ng isang teksto sa Bibliya na nakita mong magiging mas interesado ang kausap mo. (lmd aralin 2: #5)
5. Pakikipag-usap Muli
(4 min.) BAHAY-BAHAY. Mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya. (lmd aralin 8: #3)
6. Paggawa ng mga Alagad
(5 min.) Pakikipag-usap sa Bible study na hindi sumusulong. (lmd aralin 12: #5)
Awit Blg. 76
7. Maging Matapang Gaya ni Jeremias
(6 min.) Pagtalakay.
I-play ang VIDEO na Matuto sa mga Kaibigan ni Jehova—Jeremias. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
-
Paano naging kaibigan ni Jehova si Jeremias?—Jer 1:6-8
-
Kanino mo gustong sabihin ang tungkol kay Jehova?
-
Ano’ng puwede mong sabihin para matulungan mo silang maging kaibigan ni Jehova?
8. Ipagtanggol ang Paniniwala Mo “Nang Mahinahon at May Matinding Paggalang”
(9 min.) Pagtalakay.
Dapat tayong maging matapang habang ipinapangaral natin ang mabuting balita at ipinagtatanggol ang moral na mga pamantayan ni Jehova. Pero kailangan natin itong samahan ng iba pang Kristiyanong mga katangian.
Basahin ang 1 Pedro 3:15. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
-
Anong iba pang katangian ang dapat mong ipakita kapag ipinapaliwanag ang paniniwala mo sa iba?
-
Bakit mahalaga ang mga katangiang ito?
I-play ang VIDEO na “Ang Resulta ng Tunay na Katuwiran ay Kapayapaan.” Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
-
Sa video, ano ang natutuhan mo na makakatulong sa iyo na masabi sa iba ang paniniwala mo tungkol sa homoseksuwalidad sa mataktikang paraan?
TANDAAN: Kapag ipinagtatanggol mo ang moral na mga pamantayan ni Jehova, iwasang masangkot sa politikal na mga isyu.—Ju 18:36.
9. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) lfb aral 90-91

